Tapos na ang eleksyon sa Pilipinas. Napakarami na namang marurunong nating kababayan na nagsusulat ng mga negatibo.

Nandiyan ang nagsasabing maraming bobong politiko, mga bobo at uto-utong kababayan. Madalas ang ating kabayan ay nagbabangayan, nagsisisihan at iniinsulto ang sarili nating bayan.

Totoo, matindi ang kurapsiyon sa Pilipinas. Pero kahit naman saan. Kahit naman dito sa Amerika matindi rin ang kurapsiyon at lokohan.

Ang masama nga niyan pag ang lokohan nagsimula sa America lahat sa mundo nadadamay.

Ika nga, "When America sneezes the rest of the world catches the cold". 

Totoo naghihirap ang Pilipinas. Pati rin naman ang ibang bansa ay naghihirap din lalong-lalo na sa US, Europe, Russia at iba pang panig ng mundo.  

Kung palitan natin ang sisihan at reklamo ng panindigan maaring ang susunod na generasyon ay magising sa panibagong mentalidad.

Kadalasan sa mga tao hindi lang ang Pilipino ay sana'y sa pobreng mentalidad. Ang kaibahan ng Pilipinas sa ibang bansa ay me mga mahirap na naging mayaman at itinuturo nila ang paraan kung paano silang yumaman.

Kung ang Pilipino ay magsumikap na aralin ang turo nila imbes na sayangin ang oras sa mga walang katuturang mga bagay. Baka sakaling mapalitan ang reklamo ng kaalaman at pag-kaka-intindi. Imbes na sirain ang sariling atin ay maitaguyod at masuportahan ang ating inang bayan.

Para sa kinabukasan ng ating bayan at ng ating mga kabataan. Kinakailangan na tayong mga magulang, ate, kuya, tito at tita ay magsimulang turuan ang ating mga nakababata hindi lang sa tamang moralidad kundi sa tamang mentalidad. Subalit kong mismong tayo ay tamad mag-aral ng panibagong pamamaraan. Kahit magkaroon man uli ang Pilipinas ng isang daang talino na halintulad ke Jose Rizal at dating Presidenteng Marcos, wala ring mangyayari.

Kung gusto natin ng pag-babago, kinakailangang magsimula sa atin ang pagbabago. Eto ang isang video para main-tindihan natin na kailangang baguhin natin ang ating pobreng mentalidad.

Isa lang ito sa anim na series. Kung gusto ninyong guminhawa ang buhay na kahit hindi na lumabas ng bansa eto ang mga turo ng mga taong dumaan ng hirap at yumaman. Kanino pa ba tayo dapat matuto kundi doon sa mga taong sumubok at napatunyan na merong paraan para maka-ahon sa hirap ang isang tao.

Sana ay makapagbigay aral ito sa karamihan dito kung hindi man sa lahat dahil ako mismo ay natuto at nabiyaya-an dahil sa aral na aking natutunan dito.